Saturday, February 26, 2011

"Artista ka?"

        Juice ko, nakakalokah, ang daming gustong mag-artista.  Nu'ng araw naman, marinig lang nilang, "Gusto mo bang mag-artista?" kahit hindi sila balbon, tinitindigan na sila ng balahibo sa katawan.  Nahihiya. Kinikilabutan.  Parang hindi maimadyin ang sariling aarte, iiyak o magpapatawa sa harap ng kamera.
       Isang pruwebang ang daming gustong mag-artista ay ang pagsulpot din ng mga talent search at reality show.  'Yung ibang sumasali, bahala na.  Kung hindi nila matuklasan sa sarili nila kung anong talent meron sila, bahala na kung makukuha sila o madidiskober. Kung may magkakainteres.
      'Yung iba, ayaw sumali.  Takot sa contest.  Ayaw matalo.  Gusto, diretso na.  Gusto, artista na agad sila kahit magsimula muna silang paekstra-ekstra. "Kahit hindi na sumikat, basta makilala lang."  Gano'n ka-humble ang pangarap nila.
        Pag nagsimula kang ekstra, tapos, eventually, makilala ka?  Hay, nako, ituring mo nang jackpot 'yon.  Kasi, super bihirang mangyari 'yon sa ngayon.  Kadalasan, nakikilala lang.  Pero hanggang du'n lang.
       May mga wagi naman sa contest, as in nag-grand winner, pero hanggang contest lang ang career.  Hindi na na-sustain. Hindi nabigyan ng chance na sumikat.  
      'Yung mga runners-up pa ang surprisingly, nakakaungos sa grand winner.  Kilala n'yo siguro kung sino-sino 'yon.
        Eto nga, eh.  Mula nu'ng i-manage ko si Vice Ganda (pero siya ngayon ay hina-handle na ng ABS-CBN at mutual decision namin ang maghiwalay na), ang dami nang gustong magpa-manage sa akin.  Me mga "sariwa" at meron namang noon pa nag-artista, gusto lang bumalik.
       Pero at the end of the day, sabi ko nga, "tulay" lang naman ako.  Sila pa ring mga haharap sa kamera ang gagawa ng sarili nilang bituin para sila'y tingalain.  
       Kasi, kahit gaano ka-epek ang manager, kung waley naman ang talent, bano umarte o unprofessional, mahihirapan pa rin akong i-push sila. Lalo na kung walang dating.
        Pero lagi ngang tanong:  ang mga guwapo at magaganda lang ba ang may K mag-artista?  Hindi, ah!
       Mas may edge ba 'yung kamag-anak ka ng artista, lalo na kung 'yung mismong mga parents o kapatid ang artista?  Hindi rin.
        Ke chaka ang fez mo o wala kang talent, puwede kang makilala. Puwede kang sumikat.  Basta meron ka lang na tinatawag at "hindi maipaliwanag" na  "X factor" o 'yung tinatawag na "arrive" o sa tagalog, dapat, meron kang "dating."
       Sinabi kong "hindi maipaliwanag," dahil diyan pumapasok ang kasabihang "Beauty is in the eye of the tiger."  Huh?  Jowk!  "Beauty is in the eye of the beholder."  Depende sa tumitingin ang lakas ng arrive mo.
       Pero kung meron ka nang beauty, talented ka as in mahusay kang umarte, magaling kang kumanta?  Ay, juice ko, nasa 'yo nang lahat 'yan--malaki ang chance mong sumikat.  Lalo na kung ang lakas ng dating mo.
       At ako rin naman, naniniwala, pag hindi ukol, hindi bubukol.  Pero kung kapalaran mo talagang sumikat bilang artista, nasa guhit 'yan ng palad mo, sabi nga.
        Eto, mga tips ko sa mga gustong magbaka-sakali na mag-artista o pumasok sa magulong mundo ng showbiz.
       1.     'Wag nang humarap sa salamin.  Alam nating puro positive ang sagot niyan.  Kung itatanong naman sa mga kamag-anak, obviously, patronize our own ang drama ng karamihan.  
             Pero kung puwede, magpakonsulta sa isang showbiz insider o sa isang talent manager kung may future o kung ano'ng dapat gawin para hindi na masyadong magastos.  
        2.   Hindi advantage na ipagmalaking kamukha mo si Piolo Pascual o si Bea Alonzo o kung sino pang sikat na artista diyan.  Nauna na ang gano'ng mukha sa showbiz. Magmumukha ka lang copycat.  Kung gagayahin mo lang sila, ikaw pa rin ang magsa-suffer in the end.  
             Kung puwedeng pinaghalo-halo kang Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Zanjoe Marudo, Richard Gutierrez at kung sino-sino pa, mas mainam.  At least, bawat anggulo ng mukha mo o katawan mo, iba-iba ang kamukha mong artista.
           Pero mas bongga kung original at nag-iisa ang mukha mo at ang dating mo.
       3.   Advantage kung ang nanay o tatay mo o kapatid mo, eh kilalang artista.  'Wag 'yung second o third cousin ko si Enchong Dee.  Pinsan ng lola ko si Sharon Cuneta. 
             Dapat, super lapit na kaanak para meron ka nang "tutuntungan" sa pangarap mo.  Pero sana, me dating ka rin, talented ka, professional ka para hindi naman nakakahiya sa kaanak mong artista.        
       4.    'Wag maiinip.  Hindi overnight success ang pag-aartista.  It will really take time.  'Yung iba, taon ang binibilang bago makilala at sumikat.  
             'Yung iba, instant sikat, pero bigla ring bagsak pag naggago, nagbisyo, nagpakasama, o napunta na sa ulo ang kasikatan, dahil ang buong akala, hindi natatapos ang suwerte niya't wala nang papalit sa trono niya.
      5.    Kung bata kang mag-aartista, utang na loob!  'Wag munang magpapabuntis o mambubuntis para nasa bagets category ka pa rin.  Ang masaklap pa niyan, wala na ngang nangyari sa career mo, nabuntis ka pa o nakabuntis ka pa.
             But you're still blessed.  At least, alam mong hindi ka baog.  Pero kung makakaiwas, iwas muna at i-enjoy ang kabataan.  Minsan lang maging bata.  Magpakasawa na. At gawing meaningful.         
      6.    Pag mag-o-audition sa anumang contest, please lang, 'wag nang gamitin ang mga salitang, "Kaya po gusto kong mag-artista, dahil gusto ko pong makatulong sa mga magulang ko."  Laos na 'to.
            'Wag mong bigyan ng "pressure" at "worries" ang mga nagpapa-audition o ang talent manager.  Pa'no kung hindi ka mabigyan ng show o raket?  Mamamatay sa gutom ang pamilya mo, dahil 'yung pag-aartista mo lang ang last chance nila para makaahon sa kahirapan?
            Just say, "Gusto ko pong mag-artista kasi alam ko, kaya kong umarte, may talent ako at kaya kong sumikat."  'Yan ang pamatay na sagot.  
         Pag gano'n ang attitude mo, willing kang maghintay ka, harapin ang mga hamon, para maabot mo lang ang pangarap mo.     
           NGAYON, ito na ang first step mo to stardom.  Itanong mo sa sarili mo, "Ito ba talaga ang gusto ko o naiinggit lang ako sa mga artista?  Kaya ko bang maghintay kahit abutin pa nang ilang taon o ilang dekada? O, kahit mamuti pa ang bulb*l ko?  
        "Ito bang pag-aartista talaga ang kapalaran ko o mas magiging successful ako sa ibang larangan basta tapusin ko lang ang pag-aaral ko?"
          'Wag mong itanong ito sa mga kapitbahay o kamag-anak, ha? Ikaw lang ang makakasagot nito.
          Gusto mo pa ba?











          
*Kahit wala kang balak mag-artista, 
mag-comment ka naman para
maramdaman kita. Hehehe!     
      

Wednesday, February 23, 2011

Ang panig ko...

Salamat sa yahoo philippines for getting my side sa "inimbento" ni Mr. Scientist... http://ph.promotion.yahoo.com/entertainment/article/post/entertainmentfeat_ph/336/ogie-diaz-pities-mo-for-overreacting.html#mwpphu-container

meron lang nag-post nito sa twitter, ang follower nating si prodigalfan:  sana, hindi ito totoo, dahil kung totoo man....
 
Hopefully, last na 'to.  Sinagot ko lang naman ang mga "ilusyon" ni Mo.   Pag sumagot pa at nag-imbento pa, eh, baka nga totoong...  

Sunday, February 20, 2011

I-blotter Mo!

           Tingnan n'yo kung gaano kaliit ang mundo. 
           Noon, sobrang nilait-lait ni DJ Mo Twister si Ate Cristy Fermin sa radyo.  Kesyo mukha raw Shrek si Ate Cristy. Na tandang-tanda ko pa noong ikuwento ni Ate Cristy na ang mga anak niya'y labis na naapektuhan sa sobrang pambabastos ni Mo sa kanya.
           Walang pinalalampas na tao si Mo.  Kahit babae ka pa, pag hindi ka umabot sa panlasa niya, lagot ka.  Siya na ang perfect na ipinanganak sa mundo.  But in fairness, binabawian siya ni Ate Cristy.  Tinitira din niya ito sa kanyang kolum sa Bulgar.
          Masasakit na salita laban sa masasakit na salita.  Kung iisa-isahin ko pa, malolokah kayo sa sobrang  personal na banatan nila.  Walang pakialam noon si Mo sa damdamin ng mga anak ni Ate Cristy.  Ewan kung ganoon din ang feeling ng anak niya kay Bunny Paras.
          Sa paglipas ng panahon, mapapagtanto mo, ang liit lang pala ng mundo.
         Ayan at magkatabi pa sila ng upuan sa kanilang show.  Nagbibiruan, nagbubulungan, nagtatawanan, nagkakaisa ng opinyon sa mga artistang sinisita nila.
        Napansin mo ba, kapatid, parang kelan lang, 'no?  Ano kaya'ng tingin ni Mo kay Ate Cristy NGAYON?  "Shrek" pa rin ba?  "Pangit" pa rin ba si Ate Cristy kay Mo? 
      Eh, si Ate Cristy:  ang tingin ba kay Mo ay gano'n pa rin ba? Na tumaas lang nang bahagya sa gasul?  Na sabi ng mga nakaka-sex daw nito'y ang liit-liit daw ng kay Mo?
       Those were the days.
         Ngayon? Hindi na siguro.  Kalimutan na ang nakaraan.  At ito'y suklian na ng bonggang friendship.
         At wa ek, ha?  Promise, natutuwa ako, kasi okay na sila.  At sana, 'wag na silang mag-away para hindi na magbalikan pa ang masasakit na salita.
      Gano'n lang kaliit ang mundo.    Hindi mo alam kung habambuhay kayong magkagalit o kinabukasan, pagtatawanan na lang ninyo ang mga "banatan days" ninyo at back to friendship na kayo.
        Kaya ko rin namang makipagsabayan, eh. Kaso, pinili kong sundin ang payo ng mga kaibigan ko.  Sabi nila, "mag-level-up" na raw ako.   Na 'wag nang patulan si Mo.  Hayaan na lang 'yan, dahil pag hindi lumalaban nang parehas ang kalaban, eh ipagpasa-Diyos mo na lang.
        Okay, sige.  Hindi na.
         Magbibigay na lang ako ng tip sa inyo. 
        Pag ginagawan kayo ng istoryang inimbento, 'wag kayong magpaliwanag.  Siya dapat ang magpaliwanag, dahil siya ang umimbento ng kuwento. 
         Eto pa. Pag may nanakot sa inyo, lalo na kung pinagbantaan kayong "papatayin kayo," magpunta na agad sa presinto at ipa-blotter n'yo na ang pangyayari at ang taong nanakot sa inyo.
        Kung hindi naman, 'wag mong kakalimutang gamitin ang iyong kadaldalan.  I-broadcast AGAD sa mga kaibigan na kahapon o kanina ay may nagbanta sa buhay mong papatayin ka para anuman ang mangyari sa 'yo, alam na nila kung sino'ng suspek.
       'Wag nang patagalin, dahil mawawala ang kredibilidad mo pag ang tagal nang nangyari, ngayon mo lang isisiwalat. Sayang ang talino mo kung magmumukha ka lang tanga.  
       Kung wala naman at nag-iimbento ka lang ng sarili mong multo  eh pa-check-up ka, baka na-overdose ka lang ng drogang tine-take mo o ng sleeping pills na nilalaklak mo dahilan ng sobrang haba ng tulog mo.
       Higit sa lahat, bago magsabi ng, "You're the ugliest person I know," wow! Mag-isip muna.  Baka napagkamalan mong salamin 'yung taong sinasabihan mo no'n.
       Ngayon n'yo 'ko tanungin kung ano naman ang tingin ko kay Mo? 
        Basta para sa akin--hindi pangit si Mo.   
        Dahil naniniwala ako na ang mukhang 'yan ay produkto ng parents niya.  At dapat ding ika-proud ng kanyang anak. 
        After all, mai-in love ba si Rhian Ramos sa kanya kung hindi guwapong-guwapo sa itsura niya?
      
      
        
        
        
        
  

Wednesday, February 16, 2011

"Ako, tsismoso?!"

            "Napakatsismoso mo talaga!" 
         'Yan ang sinasabi natin sa mga kausap nating ang hilig-hilig sa tsismis.  Lalo na kung hindi siya ang involved? Nako, parang napaka-perfect ng buhay niya.  Hahahaha! 
         Ke kamag-anak niya o kaibigan niya, basta kakilala niya at baon-baon mo ang tsismis tungkol sa mga ito, nakatanghod sila sa 'yo para makinig.
        Lalo na pag artista na ang sangkot?  D'yan! D'yan mahilig ang mga tsismosa.  Lalo na pag sikat pa ang involved?  Nako, ang sarap kayang pagtsismisan non?
       'Yan ang Pinoy--kundi tsismosa, usisero.  Ewan ko ba.  Ibang "ligaya" ang dulot sa mga tsismosa pag pinagtsitsismisan ang buhay ng ibang tao.
       Tapos, pag ikaw naman ang natsismis, ano? Super react ka?  Super defensive ka?  O, kaya, ine-enjoy mong pinagtsitsismisan o pinag-uusapan ka, gano'n?
        Pero ang tsismisan ngayon, iba na.  Pa-blind item na.  Ang lagay eh makikinig ka na lang at hindi mo paghihirapang mahulaan kung sino'ng tinutukoy, di ba?
       'Yan ang uso sa showbiz--blind item.  Nako, lalo na kung "delikado," kailangan, malalim ang clue para ang dating eh makaubos-brains ka sa kahuhula kung sino.
       ETO'NG HALIMBAWA, HA?
       Sino ang nagsabi nito:  "Masarap kaibigan si ...(TV host), pero ang hirap niyang katrabaho!"
       Nakarating ito sa kontrobersyal na tv host, kaya ang naging desisyon nito: pagpahingahin ang segment host. 
      Kaya ang alibi nito ngayon eh nagiging masasakitin siya lately, kaya magpapahinga muna siya sa show.
      Pero ang totoo, according to my source, na-offend at naasar sa segment host ang main tv host, kaya tsugi siya sa show nito.
      Kung mapapansin n'yo, ang sabi ko, source.  Hindi ko sinabing "reliable source, dahil malay ko naman kung hindi ganito eksakto ang kuwento, mahirap na, di ba?
     O, at least, me benefit of the doubt ako.  Hindi ko agad-agad pinapaniwalaan ang nakakarating sa akin, dahil una, wala ako doon. 
     Pangalawa, malay ko ba kung iba ang dahilan, hindi pala itong nakarating na kuwento sa akin, di ba?  Kasi, ang alam ko talaga, nagiging sickly ang segment host sa dami ng raket.
    "Pero taklesa rin kasi siya, eh.  Akala niya siguro, hindi makakarating 'yon ke kuya."
     Okay. Sana naman, okay ang naging paghihiwalay nila.  At kung ito man ay totoo, sana ay may natutunan si segment host kung siya man ay nakapagdayalog nito.
     Mahulaan n'yo kaya ito?
     O, KAYO NAMAN.  Baka meron kayong na-encounter na artista na may masamang inugali o pangit ang naging experience n'yo sa kanya.
     'Wag madamot.  Kung juicy naman 'yan, i-share mo na!
                       
 

Sunday, February 13, 2011

Ang puso mo...

                'Yan lagi ang pina-punchline natin pag naha-high blood ang kaibigan natin o ang isang taong kausap natin.  Ibig sabihin, baka atakihin ka, kaya kalma lang. 'Wag ka na magalit. 
              Hindi lang Valentine's Day bida ang puso at ang pagmamahalan.  Sa lahat ng pagkakataon, dapat, may puso tayo para sa ating kapwa.  At pag sinabing "may puso"--ang daming ibig sabihin.
              Pero ang pinakabonggang ibig sabihin sa amin ng "may puso"--MAAWA KA.
              Isang sampol. May kaanak ka o kaibigan na nangangailangan ng suporta mo.  Pag meron ka, 'wag nang magdamot as long as sincere naman siya at alam mong nangangailangan talaga at ikaw lang ang makakatulong sa kanya, 'wag nang ma-arts.  Kung meron ka, kung kaya mo, suportahan mo.
            Saka lang naman tayo naninikis pag gusto natin silang matuto, eh.  Pag wala na silang credibility sa atin.  Pag para na siyang the boy who cried wolf.  Hindi ka na naniniwala, dahil laging "drawing" ang kuwento.  Nag-iimbento na lang.
            SA PULUBI, pag namamalimos, me barya ka naman diyan, eh di dukutin mo na.  Kung ika-kara-krus lang niya, problema na niya 'yon.  Basta tandaan mo lang ang mukha.  Para di na siya makaulit next time.
          Ipagpasalamat mo na lang din na at least nanghihingi, hindi nagnanakaw.
          May mga namamalimos namang bulag.  Inaalalayan lang sila ng apo nila o anak nila sa daloy ng trapiko.  Isasahod ang palad sa bintana ng sasakyan mo, pero choice mo uli kung magbibigay ka. 
          Isang kaibigan ang nagsabi sa akin, "Ginagamit lang nila ang kapansanan nila para lang makapanlimos." 
          Sabi ko sa kanya,  "Gusto mo ba, magpalit kayo ng kalagayan?  Hindi ba't super blessed ka?  Kaya kung meron ka, mag-share ka na lang sa may kapansanan."
          'Yang pagbibigay ng konting barya (o pagkain kung may baon ka) ay parang pasasalamat mo na rin, dahil hindi ikaw 'yung namamalimos. At higit sa lahat, nakikita mo 'yung bulag.  Ikaw, kahit hindi ka niya nakikita, naririnig mong nagpapasalamat siya sa kabutihan ng iyong puso.
         Happy Valentine's Day!
            
           

English ba kamo?

         Nakakalokah 'yung ibang nagtu-tweet.  Ba't daw hindi "English speaking" ang mga entries ko dito.  Sana, sila na lang ang gumawa, di ba?  
        Kung mas maiintindihan nila sa Ingles ang mga sinusulat ko dito eh di sila na lang ang mag-translate, tutal, sila naman ang nakaisip. Hahaha!
       Naiintindihan ko namang suggestion lang nila 'yon.  Pero 'yung iba talaga, nanghihimasok na.  Nangengeelam na.  Gusto na 'kong diktahan kung ano'ng dapat kong i-attitude sa buhay ko.  
       Gusto kong maramdamang concerned lang sila, pero mas maraming may gusto ng style ko sa lengguwaheng alam ko at kumportable ako kesa sa style na gusto nila, eh.
       Mga Pinoy naman tayo, eh.  Feeling ko, mas maraming makaka-relate sa akin, mas maraming makakaintindi sa akin kung magtatagalog ako, pahihirapan ko pa ba ang sarili ko?
       Ang dami-dami na nilang nag-i-Ingles, tutulad pa ba 'ko sa kanila? Kanya-kanyang style 'yan para mapansin at makalikom ng followers eh. 
       Sila ba ang dapat kong i-please o ang sarili ko at ang mga taong "nagtitiyaga" sa akin at nag-e-enjoy sa mga tweets at blog entries ko?
       Kung kumportable sina Jericho Rosales at Marvin Agustin na mag-ii-Ingles sa twitter, eh siguro nga, du'n sila happy at nakakapag-express ng kanilang sarili sa followers nila. 
        Siguro nga, igigiit din natin 'yung prinsipyo natin sa buhay na dito ako masaya, dito ko nae-express ang saloobin ko and as long as hindi naman ako madedemanda o makukulong sa ginagawa ko't sinasabi ko, wala akong dapat ipangamba.
        Kung ayaw nila sa opinyon ko, eh me magagawa ba 'ko?  Hindi kita ma-please?  Eh, di deadmahin mo 'ko.  Gusto mo ko? Salamat. Ituloy lang natin ang ligaya. Gano'n lang 'yon.
        Ngayon, kung gusto mo pa ring mag-Ingles ako sa tweets ko o sa entries ko sa blog, sige na nga, aaminin ko na: mahina ako sa Ingles. 
        Happy ka na?
        O, sa presinto na lang ako magpaliwanag?

Saturday, February 12, 2011

"BiJo IsKaNdaL"

           Oo, blind item 'to.  Pero hindi naman 'to recently lang nangyari.  Antagal na nito.  Siguro, mga early 90s.  Meron pang "That's Entertainment" nu'ng araw. 
          Kilala n'yo ang tutukuyin kong dalawang aktor.  Actually, pareho din silang singer.
          Si Actor-Singer J ay nasa angkan ng mga singers.  Mahusay din itong magsayaw nung kasagsagan ng That's. Kapatid nito ang isang character actor na madalas gumanap ngayon bilang ama ng mga youngstars.
        Ito namang pangalawang aktor, aktibo ngayon sa kanyang career. Mas sumipa ang career ngayon kesa nu'ng nasa That's pa ito, siya naman si Actor D na laging nasa mga teleserye ng Kapamilya network.
         Hindi ko makalimutan ang video na nakita ko nu'ng minsang nadalaw ako sa bahay ng isang showbiz friend.  Wala pa, hindi pa uso ang cd nu'ng araw.  VHS pa lang ang nauuso no'n at hindi pa naisasalin ang video na nasaksihan ko.
        Grabe, ipinakita sa akin ito ni showbiz friend.  Pangalanan natin si showbiz friend na si Gilbert.  Tandang-tanda ko pa noon, Kuya Eddie. Si Gilbert (isang tunay na babaero) ay pinaakyat ako sa kuwarto niya habang nagkakasayahan sa ground floor ng bahay nila. 
        Me papakita lang daw siyang video sa akin. Sabi niya, "Ikakalokah mo 'to, Ogie. Sa 'yo ko lang ipapakita."
       Na-excite naman ang baklah.  Isinaksak sa tv ang cable ng video cam at pinapanood sa akin ang video.  Aba, si Gilbert, nandu'n din. Kaso, hindi siya kita. Kasi, siya ang nagsilbing cameraman.  
      Naririnig-rinig ko lang si Gilbert sa likod ng kamera, "Sige na, pare, pakita mo na," habang nakatutok ang kamera kay Actor J na naka-sando at naka-shorts.
       Eto na.  Cowboy si Actor J, biglang hinimas ang harapan niya at 'yung laylayan ng shorts nito ay itinaas niya at iniluwa niya ang kanyang "notes."
      Sabi nito sa harap ng kamera, dahil ipinokus ni Gilbert sa kanyang ari ang camera, "Pasensiya na, ha?  Eto lang ang nakayanan ko, eh!" tawanan sa paligid.
      Narinig ko pa ang mga pambubuska na, "Tang ina, pare...'yan lang ang nakayanan ng iyo?  Hahahahaha! Ang liit pala ng tit- mo!"
      Hindi napikon si Actor J. Sa loob-loob ko, kunsabagay, maliit naman talaga. Parang pagkatapos ng ulo, bay*g na. Hehehe! Me gano'n naman, di ba? Pag "patay," super dyutay, pero pag "nagalit," dambuhala! Pero ewan kung gano'n nga. 
      Nu'ng ipinokus ng kamera, sumenyas pa 'yung kamay ni ni Actor J na parang, "Wala, eh.  Eto lang, eh!"
       Maya-maya, ang kamera ay gumala uli.  Nakatayo naman sa harap ng kamera si Actor D.  Naghubad ng damit. Nag-flex pa ng mga muscles, animo'y nagyayabang na, "Hoy, tingnan n'yo ang katawan ko, maglaway kayo!"
        Sabi ng cameraman, "O, pare, ikaw naman.  Pakita mo na!"
        Tumawa muna si Actor D. Maya-maya, parang nag-i-striptease na parang macho dancer sa harap ng kamera, kinawit ni Actor D ng mga daliri niya ang garter ng shorts niya at humello nang bonggang-bongga ang notes nitong semi-erect. Pinagpag pa sa lente ng kamera 'yung notes niyang cute.
      Hahaha!  Nakakalokah.
      "Oy, ha?  'Wag mong ipapakita 'yan kahit kanino, ha? Papatayin kita, pare!" sey ni Actor D sa kaibigan naming cameraman.  "Ba't ko naman ikakalat 'to?  Katuwaan lang naman 'to?"
      Hahaha!  Nakakalokah.  Mga binata pa kasi sila noon, eh.  Kaya enjoy-enjoy lang ang buhay.  Ngayon, nagsipag-mature na.  Me mga responsibilidad na. Me mga anak na.  Pa'no kaya kung lumabas ito?  Tapos, na-youtube pa?  O mai-upload sa celfone?  Kahihiyan ito, kung tutuusin.
       Sasabihin n'yo ngayon sa akin,  sana, hindi ko na ikinuwento para nananatiling sikreto ang lahat.  Pero ang katwiran ko: malalaman n'yo ba ito kung hindi ko ikinuwento?
      Eh, ba't ko ba ikinuwento?   
      Masama bang saluduhan ang isang kaibigan na kahit hindi na sila madalas magkita ay tumupad ito sa kanyang binitiwang pangako na  hindi ikakalat ang video, dahil katuwaan lang naman ito?  
      Pero itsinismis sa ibang tao?  
      O, eh bakit?  Nahulaan n'yo ba kung sino?  Hehehe. Ang usapan naman, hindi ikakalat ang video, eh.  Nakagawa ba ng kopya o duplicate?  Wala naman, ah?  Baka nga naitapon na ang "bala" nu'ng videocam eh.
       Pero hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Gilbert sa akin:  "Sa 'yo ko lang ipinakita 'yan, dahil barkada mo rin sila!"
         Kaya pasensiya na po kung walang masyadong clue. 

Thursday, February 10, 2011

"Gagah!"

         Nanonood ako ngayon ng "ShoutOut."  Naalala ko na naman ang "That's Entertainment" nu'ng mga 1987 to early 90s.   Struggling reporter pa lang ako no'n.  Naging stepping stone ko 'to to stardom.  Weeh! *Tumigil ka diyan sa ilusyon mo, Ogie Diaz!*
         Looking forward palagi ang byuti ko sa pagpunta sa show na ito na inumpisahan ni Kuya Germs.  Me paborito akong araw na puntahan.  Wednesday edition. Andu'n kasi si Romnick Sarmenta na binubuntut-buntutan ko.
        Kung sa'n siya nandu'n, nandu'n din ako.  Ewan ko nga kung sa loob-loob ni Romnick, gusto na niya 'kong sapakin, kasi nga, mukha na 'kong aso.  Sa recording,  sa shooting, kahit nung ni-revive nila ang "Iskul Bukol," andu'n ako lagi sa taping ni Romnick.
        Ang daming articles din akong nagawa noon about Romnick. Kasi nga, sikat na sikat siya no'n, kaya kahit umutot ang lolo mo, isyu na agad.  Although ilan na silang young actors noon na sikat na sikat.
        Witness kami nu'ng naging sila ni Harlene Bautista.  Nag-split.  Naging sila ni Sheryl Cruz.  At tingnan mo nga naman ang buhay.  Love is lovelier the second time around.  Sila ni Harlene ang nagkatuluyan at ilan na rin ang anak!
         Kahit nga sa baratillo sa probinsiya with Kuya Ike Lozada, may-I-follow the leader din ako ke Romnick.  Hindi naman masyadong halatang diehard Romnick ako, 'no?  Hahahaha!
       Wala. Naaalala ko lang.  Eto pa. Kahit wala si Romnick sa bahay nila sa Filinvest 1, andu'n ako.  Tsumitsika lang sa "best friend" kong si Mommy Julie Sarmenta (na nasa Canada na ngayon).
       Inaabot ako ng alas dose nang gabi, kakaabang na baka si idol, dumating na.  Madatnan ko man lang.  One time, nakasama ko sa hapag-kainan sa bahay nila si Romnick.  Tahimik kumain.  Ayaw dumaldal.  Hindi na rin tuloy ako nakadaldal. Behaved akong nakikain, pero may kilig.
       Sa mga gano'ng pagkakataon, masaya na 'ko.  Kasi nga, gusto ko si Romnick.  Hindi ako nagsasawa sa mukha niya.  Ni hindi rin ako nagseselos sa mga nakaka-loveteam niya, dahil unang-una, wala naman akong pekp*k para magselos.
        Isa lang akong fan.  Isang admirer.  At isang baklang nag-iilusyon.
        Hanggang sa eto na nga.  Wala na ang "That's Entertainment."   Unti-unti na ring nagpahinga ang mga bagets.  Habang pinapalitan na rin sila ng mga bagong sibol, kaya hindi na maawat ang pagtanda noon nina Keempee, Michael Locsin, Ramon Christopher, Cris Villanueva, kung sino-sino pa.
      At si Romnick, hindi na rin bata.
       NANGARAP lang akong maging isang successful na movie reporter, sumobra pa du'n.  Naging segment host ako ng "Showbiz Lingo" at "Cristyperminute."  Naging host din ng "Showbiz No. 1" at siyempre pa, ilang teleserye rin ang nilabasan ko.
       Nakalimutan ko na si Romnick noon. Busy na sa sariling career ang bakla mula nu'ng sumampa sa ABS-CBN.
       ONE TIME, nagkita kami nang di sinasadya ni Romnick sa ABS-CBN.  Sa dressing room kung saan nandu'n din ang dyowa niyang si Harlene Bautista.  Guests sila pareho sa isang show na "Homeboy" pa yata noon.  Taping 'yon.
        "Hi, Ogs!  Kumusta ka na?"
        "Eto, okay lang."  Biglang hirit ko ke Nicko, "Juice ko, parang kelan lang, 'no!  Super sinusundan kita noon kahit saan ka magpunta.   Kahit mapuyat ako, okay lang, basta happy ako na makita ka."
       "Naalala mo pa 'yon?"
       "Oo naman, idol kita, 'no!"
       "Tingnan mo nga naman ang buhay, 'no!  Eh, mas sikat ka pa sa akin ngayon, Ogie!"
        "Gagah! Hindi, ah!"
       "Basta ako, happy ako for you, Ogs!  Wag mo 'kong kakalimutan, ha?"
          "Gagah!"
         'Yun lang ang nasambit ko:  Gagah!
           

Wednesday, February 9, 2011

1-2-3 Mic Test

       Dapat daw, me blog ako, sabi ng followship sa twitter.  Eh, minsan, daming laman ng utak ko.  Gusto ko lang ibuhos. Minsan naman, tamad akong mag-isip.  Gusto ko lang, mag-tweet, magtrabaho, makipaglaro sa mga anak ko.
      Kaya ito, sample lang.  Titingnan ko lang kung maraming makakabasa.  Pero I'm sure, konti lang kasi nga, kakasimula pa lang, eh.  One-two-three...test mic, test mic lang muna ang drama ko ngayon.  
     Maiiklian lang kayo ngayon o baka mabitin, dahil nga nagte-test mic lang ako.  Wala lang.  Hindi ko lang alam kung gaganahan akong ituloy ito o magko-concentrate na lang ako sa twitter account ko na may 102k followers na.  Naks!
      Yun lang.  Sige nga, himukin n'yo akong mag-emote at gumawa ng blog.  Iniisip ko kasi, baka naman ma-addict na 'ko dito at hindi na 'ko makapagtrabaho.  Eh, ang dami pa naman akong tanggap na labada and at the same time, ang daming bayarin.
       Sabi nga ng Clusivol ad, bawal ang magkasakit.  Kaya hindi puwede.  Dalawang pamilya ang sinusuportahan ko at me monthly ammort pa ko sa kotse at sa house na kinuha ko.  
       O, siya, parang paalam ako nang paalam nang walang katapusan sa inyo.  Gano'n nga siguro ang buhay.  Habang may buhay, hindi natatapos ang pagtikatik ng oras.  Kasabay ng pagdating mga problema at pagsubok sa buhay.
        Harapin lang, 'wag talikuran.  Pag tinalikuran, dadami pa 'yan.  Harapin. Pag-isipang i-resolve.  Labanan.  At panagumpayan. 
      Laging tatandaan,  ang patay lang ang hindi na nanganganak ang problema.  So le'ts thank God for the life He gave us.  Enjoy life.  Minsan lang 'to, gawin mong makasaysayan, makatuturan na pag nawala ka na sa mundo, maalala ka pa rin.
     Sana, dahil sa kabutihan mo, hindi dahil sa kasamaan.